Ito na ata ang pinakawalang kwentang blog! lol. Sa tila walang say-say na buhay kong ito, naisipan kong manood ng telebisyon (di na kasi ako masyadong nanonood ng teevee eh… Tingnan niyo ngayon nag-tatagalog ako na di ko karaniwang ginagawa pag-nagbablog!
. So ayun, habang nanonood, may sinabi yung lalaki na natawa ako sa sobrang kakornihan! Kaya naisipan kong mag-blog ukol dun at isisiwalat ko na rin ang mga walang kwentang quotes na ginawa ng mga taong nakapaligid sa akin at ng mga tao sa maliit na kahong de kuryente na naka-displey sa aming living rum…
1. Ito yung sinabi ng lalaki habang nangungusap sa isang babae "Mas korny ka pa ata sa mais", ayun natawa ako sa kakornihan… Non-sense diba?
![]()
2. Isang lalaki naman habang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan eh sinabi 'to "Birds that pray together, Stays together"… Hay, napakakorny. At ayun niresbakan naman ng kaibigan niya at sinabing "Birds with the same feather are gays!". hmmmm… (Pero not sure ako dun ha! nakalimutan ko yung resbak na linya eh…)hehe
Heto pa…
3. Ito ay mga excerpts na ginawa ng isang klasmeyt na parating huli kung pumasok sa klase. Pag sinasaway siya namin tungkol sa pagiging leyt niya eh parati niyang sinasabi ang katagan 'to "Early bird makes me laugh, umayos kayo!" .
4. Pangalawa, "An apple a day makes you feel healthy, naughty, and nice". Korny noh??? Pasensiya…
5. Ito naman eh galing sa akin… Dahil laging absent sa review ko para sa Licensure Exam at himalang nakapasa, ito ang ginawa kong quote… Beware! This is deadly lame… Heto na… "Absence makes Perfect"… Hehe… Tila walang katapusang kakornihan…
Ito naman eh ang pinakabago at nakakatawang gimmik ng isang tumatakbo bilang senador
6. "Pangarap kong tuparin ang inyong mga pangarap! Pichay, Itanim sa senado!" lol
At isang salawikain na galing sa isang napaka-gandang babae sa Pilipinas… Noon… Si Miss Melanie Marquez…
7. "Don't judge my brother cause he is not a book!" haha… korny na naman ba??? hehe
Teka, diba sinabi ko naman sa inyo na wala 'tong kwentang blog? Eh, ba't hanggang ngayon binabasa niyo pa rin??? Umayos kayo!!! Hehe… Pagpasensiyahan nyo na po ako… Walang magawa eh… Nababagot!
Kaya ito lang ang masasabi ko sa inyo…
8. "Don't try to challenge me, so you won't be challenged!" lol… korny ng ending!
hehe…
salamat naman at na-notice mo ‘tong blog na ‘to kahit na walang kwenta… hehe
Posted by janusrichardronimo at March 12, 2007, 11:45 ami naku! deadly lame nga… anything else?
Posted by CuteAko at December 28, 2007, 3:58 pm=P
Posted by janus at January 3, 2008, 9:46 amLearning is the eye of the mind.
Posted by Cheap Juicy Bags at December 21, 2010, 12:00 pmuggs outlet store
uggs outlet store
uggs outlet store
uggs outlet store
Very useful articles. I and my friend to do some research. I am very glad to see such information, I find the very long period of time, was finally I found, thank you.
Posted by 传奇私服 at October 27, 2011, 11:19 pm
hahaha! walng kwenta pero nakakatuwa. =)
Posted by Cheska at March 12, 2007, 11:05 am